Patuloy ang Administrasyong Trump sa Pag-atake sa mga Pamilyang Imigrante
Nangunguna ang AAPI Progressive Action sa Paglaban sa mga Pamamalakad na Makasasama sa Ekonomiya
WASHINGTON - Dalawampu't anim na araw bago ang halalan sa midterm, naglathala ang administrasyong Trump ng iminungkahing patakaran na hindi makatarungang pumupuntirya sa mga legal na imigrante. Ilalagay sa panganib ng patakarang ito ang permanenteng residenteng estado ("green card") kung ang mga imigranteng pamilya ay mag-access ng mga kinakailangang mapagkukunan, tulad ng Medicaid, mga programa sa nutrisyon at pampublikong pabahay, kahit na sa maikling panahon lamang, matapos magbayad ng mga buwis upang suportahan ang mga naturang programa. Ang iminumungkahing patakarang ito ay isang masamang pamamalakad ng Republican, na dinisenyo upang hadlangan ang mga legal na imigrante sa paggamit ng pampublikong tulong at upang pigilan ang mga minorya na maging permanenteng mga residente at makakuha ng pagkamamamayan sa kalaunan.
"Ang sunud-sunod na pag-atake ng administrasyong Trump sa komunidad ng mga Asyanong Amerikano at Pacific Islander para magkapuntos sa pulitika ay wala pang katulad at nakapanlulumo," ayon kay Tung Nguyen, tagapangulo ng AAPI Progressive Action. "Ang travel ban, pagwakas ng DACA, paghihiwalay sa mga pamilya at ngayon ay pagkakait ng mga green card para sa paggamit ng mga pangunahing programa na makatutulong sa mga AAPI upang magtagumpay sa ekonomiya ay isang diskriminasyon, malupit at hindi paraan ng Amerikano. Ang patakarang ito ay nakasasama sa ating mga pamilya at sa ating kalusugan habang sinasaktan ang pangkalahatang ekonomiya, dahil mas maraming naiaambag ang mga imigrante sa sistema kaysa sa natatanggap nila mula dito. "
Pinalalawak ng ipinanukalang patakaran ang kahulugan ng 'public charge' para sa pagpapasiya ng pagpapalabas ng mga green card at pagkamamamayan, at pinapayagan nito ang administrasyong Trump na piliin ang mga indibidwal na sa kanilang palagay ay karapat-dapat manirahan sa Estados Unidos. Ang paggamit ng mga programa ng pangunahing pangangailangan, kabilang ang Medicaid, Medicaid Part D, Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP) at Section 8 pampublikong pabahay, ay magiging negatibong mga kadahilanan laban sa mga nag-aaplay para sa green card o pagpapahaba ng visa. Bilang karagdagan, ang edad, lagay ng kalusugan, kayamanan, mga ari-arian, at kakayahan sa Ingles ng mga legal na imigrante ay susuriin din.
"Nahaharap ang mga imigrante sa isang desisyong walang kapana-panalo kung ang kanilang mga pamilya ay may pagkain, tirahan at pangunahing pangangalaga sa kalusugan (basic health care) ay manganganib ng posibleng deportasyon," sabi ni Nguyen. "Ang ipinanukalang patakarang ito ay maliwanag na panunulsol sa mga botanteng kontra-imigrante para sa darating na cycle na ito. Sa halip, ito ay makapipinsala sa mga lokal na ekonomiya at maglalagay sa kalusugan ng mga legal na imigrante sa panganib. Ang mga Republican ay hindi karapat-dapat humawak ng kapangyarihan dahil itinatanim nila ang takot at elitismo sa pamahalaan. "
Bilang tugon sa ipinanukalang pagbabago sa patakaran, bumuo ang AAPI Progressive Action ng isang online portal na magbibigay-daan sa lahat ng Amerikano na ganap na lumahok sa demokratikong proseso. Ang STAND WITH US AS #OneNation ay isang portal na magbibigay-daan sa iyo upang isumite ang iyong pagsalungat sa pagbabago sa patakaran ng public charge sa pamamagitan ng opisyal na pampublikong abiso at proseso ng komento. Maaari mo ring ma-access ang portal sa pamamagitan ng pagbisita sa www.OneNationAAPI.com. Sa pamamagitan ng pagkilos, matutulungan mo ang mga AAPI at lahat ng imigrante na magkaroon ng pantay na oportunidad upang magtagumpay.
# # #